Share This Post

Main Slider / Sorsogon News

Brgy. Chairman, nangingisda para ipamigay sa mamamayan

Isda

Kahanga-hanga ang isang barangay chairman sa Sorsogon na nangingisda upang may maipamahagi sa mga mamamayan.

Sa ulat, nakilala ito na si Kapitan Jojo Geraldino ng Bulan sa nasabing probinsiya.

Ang kanyang effort, upang tugunan ang krisis na kinakaharap ng lahat dahil sa enhanced community quarantine dulot ng coronavirus disease.
Sa tulong ng kanyang mga kasamahan, tuwing umaga, nangingisda si Kap at nagpapasalamat sa biyayang bigay ng karagatan.

Ang nakakatuwa pa, maging ang ibang barangay, nabibigyan din ng mga huling isda ng grupo ni Geraldino.

“13 days and 13 nights na po kaming nagpalaot at patuloy na namimigay ng isda para makadugtong sa pagkain, simula nang ma-lockdown ang bayan ng Bulan,” ayon kay Kap. Bukod sa mga isda, nagpamahagi rin si Kapitan Geraldino ng mga pamingwit.

“Sa pagsubok na ‘to, kaya natin ‘to basta tulong-tulong tayo,” sabi pa nito.
Hiling nito na walang magkaroon ng virus sa kanilang probinsiya na wala pang naiuulat na positibo sa COVID-19.

Source: https://policefilestonite19.com/brgy-tserman-nangingisda-para-ipamigay-sa-mamamayan/categorised/provincial-news/16/

Share This Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>