Share This Post

Bicol News / Main Slider / Sorsogon News

36 stranded na construction worker, tinulungang makauwi ng Ako Bicol, Escudero

Ako Bicol Partylist

Nakauwi na sa kani-kanilang pamilya ang nasa 36 na construction worker na mga taga-Sorsogon matapos ma-stranded sa Quezon province dahil sa enhanced community quarantine.

Sa tulong ng Ako Bicol party-list at ni Sorsogon Governor Chiz Escudero, nakarating na sa kani-kanilang lugar ang mga naipit na manggagawa, na ilang linggong na-stranded matapos na magsara ang kanilang construction firm na pinagtatrabahuhan sa Pagbilao, Quezon dahil sa COVID-19 pandemic.

Personal na binisita ni Ako Bicol Representative Elizaldy Co ang mga construction worker para bigyan ng mga relief goods at tulong pinansyal.

Si Co din ang nag-asikaso para makipag-ugnayan ay Escudero para makauwi ang 36 na manggagawa, alinsunod sa striktong protocol na nilatag ng Department of Health.

Ibig sabihin ay sasailalim sa mandatory 14-day quarantine ang 36 na construction worker para masigurong ligtas sa COVID-19.

By RP

Source: https://tnt.abante.com.ph/36-stranded-na-construction-worker-tinulungang-makauwi-ng-ako-bicol-escudero/

Share This Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>