Share This Post

Sorsogon News / Tourism

Mga war tunnel ng Hapones sa Sorsogon

Cave in Bulan, Sorsogon

Noong 15 Hunyo 2019, dinala kami ni Prop. Van Ybiernas ng Tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines Dr. Rene Escalante na tubong Sorsogon, at ng kanyang kapatid (at kahawig) na si Ronnel sa isa sa mga bayan ng kanilang lalawigan, ang Bulan. Ang pangalan ng bayan ay nagmula sa salitang Bikolano (at kahit sa Kapampangan at Bisaya) para sa buwan.

Isa sa mga proyektong pinangasiwaan ng komisyon ay ang restorasyon o pagsasaayos ng “Bulan Presidencia” na dinisenyo ni Architect Tomas B. Mapua at ipinatayo pa noong 2021, ang unang narehistrong Pilipinong arkitekto na siya ring nagdisenyo ng St. La Salle Hall sa Maynila na isa sa mga “1,001 Building­s You Must See Before You Die.” “Presidencia” ang tawag sa mga naunang mga gusaling munisipal sa panahon ng Amerikano sapagkat ang mayor dati ay tinatawag na Presidente Municipal (Ngayon, yorme na, dyok) at ang Bulan Presidencia ay kahawig ng San Juan del Monte Presidencia na sa matagal na panahon ay naging tanggapan ni Mayor Joseph Estrada. Ayon sa Facebook page ni Konsehal Olaf Gotladera, itinuturing ito na Important Cultural Property sa ilalim ng RA 10066 at para sa 100 taon ng gusali, ang peg ng turismo sa bayan ay “Visit Bulan 2021”. Dito ilalagay ang Bulan Heritage Museum.

Isa pang gusali na dinaanan namin ang Bulan Central School na ipinatayo rin sa panahon ng mga Amerikano. Maraming mga lumang bahay at gusali ang nailigtas sa Bulan mula noong digmaan hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ngunit mas kamangha-mangha ang mga network ng mga tunnel na hinukay ng mga Hapones sa paligid ng dating airport ng Bulan. Ang airstrip ay naroon na bago pa man ang digmaan. Mga 10 sa mga kuwebang ito ang natagpuan kabilang na ang sa may Brgy. San Francisco at Bariis Lake.

Ginabayan kami ng lokal na historyador ng Bulan na si Tonyboy Gilana na siyang ring admin ng FB page ng “Bulan Sorsogon kasaysayan nato” at awtor ng “Mga Panumduman Ta, Volume 2: Bulan during the Second World War” sa mga tunnel sa Sitio Layuan, Brgy. Aquino at sa Brgy. Sta. Remedios. Ayon kay Gilana, ginawa ng mga Hapones ang mga tunnel upang pagtaguan nila sa panahon ng pagtatapos ng digmaan.

Source: https://www.abante.com.ph/mga-war-tunnel-ng-hapones-sa-sorsogon-2.htm

Photo: http://taraposabulan.blogspot.com/2014/03/historical-places-eachplace-has-its-own.html

Share This Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>