Share This Post

Main Slider / Sorsogon News

Binatang makulit, kinatay ng tiyo

Michael Berba Arringo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 36-anyos na binata nang pagsasaksakin ng kanyang sariling tiyuhin na nakulitan sa una bunsod ng kanilang pagtatalo habang nag-iinuman sa Brgy. Ticol sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Michael Berba Arringo ng Sitio Malasgas, Brgy. Vinisitahan, Donsol na nagtamo ng dalawang saksak sa tagiliran.

Sumuko naman sa mga pulis ang suspek na si Alberto Rabulan Arringo, 42-anyos, may-asawa, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay nakitang masaya pang nag-iinuman ang dalawa sa harap ng bahay ni Alberto. Gayunman, nang malasing ay naging makulit umano ang biktima na ikinairita ng tiyuin dahilan para sila magtalo. Sandaling pumasok sa kusina ng bahay ang tiyo at pagbalik ay armado na ng kutsilyo saka sinaksak ng dalawang beses ang pamangkin sa katawan. Duguang isinugod ng mga kaanak sa Sorsogon Provincial Hospital ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

Jorge Hallare

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2020/03/03/1997665/binatang-makulit-kinatay-ng-tiyo

Share This Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>